MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?
MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?
✅ Ang MAINTENANCE MEDICATION o MAINTENANCE ay mga gamot na kinakailangang INUMIN ARAW-ARAW sa loob ng mahabang panahon (kadalasan habang buhay) upang mapanatili ang kalusugan o maiwasang lumala ang mga sintomas o kumplikason.
✅ Ang mga MAINTENANCE na gamot ay HINDI BASTA-BASTA ITINITIGIL maliban na lang sa utos ng inyong DOKTOR o kung nagkaroon ng MATINDING SIDE EFFECT O ALLERGIC REACTION sa gamot.
⛔️ Kapag itinigil ang pag-inom ng MAINTENANCE na gamot ay maaaring LUMALA ANG MGA SINTOMAS O KUMPLIKASYON ng inyong sakit.
✅ Importante ang FOLLOW-UP / CHECKUP sa inyong doktor upang mapayuhan kayo kung may kailangang baguhin, tanggalin o idagdag sa inyong mga gamot.
✅ Ang pag-inom ng maintenance na gamot na alinsunod sa TAMANG DOSAGE NA BINIGAY NG INYONG DOKTOR ay HINDI NAKAKASIRA NG KIDNEYS o ng ATAY.
✅ Ang mga pasyenteng may CHRONIC KIDNEY DISEASE (CKD) ay kalimitang umiinom ng ilan (o halos lahat) sa mga sumusunod na MAINTENANCE MEDICATION upang MAPANATILI ang kalusugan ng kidneys at ng buong katawan:
1. PARA SA BLOOD PRESSURE - tulad ng LOSARTAN at AMLODIPINE
2. DIURETIC o PAMPAIHI - tulad ng FUROSEMIDE at BUMETANIDE
3. PANGKONTROL SA BLOOD SUGAR - tulad ng METFORMIN, GLICLAZIDE at INSULIN
4. PARA SA HEART DISEASE - tulad ng ASPIRIN, CLOPIDOGREL, CARVEDILOL at SPIRONOLACTONE
5. PAMPATAAS NG HEMOGLOBIN - tulad ng FERROUS SULFATE at ERYTHROPOIETIN
6. PAMPABABA NG PHOSPHORUS - tulad ng SEVELAMER at CALCIUM CARBONATE
7. PAMPATAAS NG CALCIUM - tulad ng CALCIUM CARBONATE at VITAMIN D
8. PAMPABABA NG CHOLESTEROL - tulad ng ATORVASTATIN at SIMVASTATIN
9. PANGONTRA ACIDITY NG DUGO - tulad ng SODIUM BICARBONATE
10. AMINO ACID SUPPLEMENT PARA SA KIDNEY - tulad ng KETOANALOGUES
Comments
Post a Comment