ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN TRACE, 1+, 2+, 3+ AT 4+ SA URINALYSIS?
Ang URINALYSIS ay isang mura at simpleng test na tinitingnan ang iba't ibang characteristics ng IHI.
Isa sa mga nakikita dito ay ang dami ng PROTEIN o ALBUMIN sa ihi. Normally, dapat ay NEGATIVE ang PROTEIN sa ihi kapag urine dipstick test ang ginamit.
Pag may nakitang PROTEIN sa ihi, kadalasan ang ibig sabihin ay may KIDNEY DAMAGE or KIDNEY DISEASE (may ilang exceptions dito)
Maaaring malaman ang ESTIMATED NA DAMI NG PROTEIN PER DAY depende sa nakalagay na resulta sa urinalysis. Pag mas mataas ang numero ng +, mas maraming protein sa ihi:- TRACE at 1+ ay katumbas ng <500 mg/day
- 2+ ay katumbas ng 500 - 1000 mg/day
- 3+ ay katumbas ng 1000-2000 mg/day
- 4+ ay katumbas ng >2000 mg/day
Para sa mas accurate na measurement ng PROTEIN sa ihi, mas maganda gumamit ng UPCR or UACR test
Comments
Post a Comment