PAANO MAPIPIGILAN O MAPAPABAGAL ANG PAGTAAS NG CREATININE?

PAANO MAPIPIGILAN O MAPAPABAGAL ANG PAGTAAS NG CREATININE?

✅ Maraming nagtatanong sa akin kung paano ba mapapababa o mapapabagal ang pagtaas ng CREATININE. Gaya ng sabi ko sa dati kong post tungkol sa CREATININE, hindi palaging ibig sabihin na pag mataas ang creatinine ay may sakit sa bato

✅ Ngunit para sa mga taong talagang may CHRONIC KIDNEY DISEASE pati na rin sa mga taong malulusog at walang sakit, importante ang pagpapanatili sa KALUSUGAN NG ATING KIDNEYS.

✅ Ang serye ng mga posts na ito ay naglalayong maibahagi ang mga HEALTH TIPS na MABISA upang MAIWASAN ANG pagkakaroon ng sakit sa kidney o MAPABAGAL ang pagkasira ng kidney sa mga taong may CHRONIC KIDNEY DISEASE

TIP #1: IWAS SA SIGARILYO

TIP #2: WEIGHT LOSS (PAGBABAWAS NG TIMBANG)

⚠️ Ang OBESITY ay isa sa mga MAJOR RISK FACTOR para sa pagkakaroon ng DIABETES, HIGH BLOOD AT CHRONIC KIDNEY DISEASE.

⚠️ Ang DIABETES AT HYPERTENSION ang dalawang pinakakaraniwang sanhi ng sakit ng kidneys.

⚠️ Ang OBESITY ay nauugnay sa mas mataas na chance ng pagkakaroon ng END STAGE KIDNEY DISEASE at PAGDIDIALYSIS.

✅ Ang pagbabawas ng timbang na 2.25 kg o HIGIT PA ay kaugnay ng 40% LESS CHANCE ng pagkakaroon ng SAKIT SA PUSO at CKD (ayon sa Framingham Study).

✅ Ang pagbabawas ng timbang ay nauugnay sa PAGBABAWAS NG PROTEINURIA o PROTEIN SA IHI, na marka ng kidney damage.

✅ Ang pagbabawas ng timbang ay dapat gawin sa pamamagitan ng kombinasyon ng EXERCISE at WASTONG DIET.



Comments

Popular posts from this blog

BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI? ANO ANG PROTEINURIA AT KAUGNAYAN NITO SA KIDNEY DISEASE?