Mga Ginagawa mo na Sumisira sa Kidneys Mo
MGA GINAGAWA MO NA SUMISIRA SA KIDNEYS
Ang kidneys ay ang filter at taga-tanggal ng mga waste product ng dugo tulad ng creatinine, tumutulong din ito sa pag maintain balance ng ectrolytes natin, sa pag-kontrol ng blood pressure at sa pag-buo ng red blood cells. Kaya dapat alagaan mo ang kidneys mo.
Ano
nga ba ang habits na sumisira sa kidneys?
1. Pag
inom ng softdrinks araw araw. Ang softdrinks ay ginagawang acidic ang ihi.
Pag sobrang acidic ang ihi, puwede kang magkabato sa kidneys. I-limit niyo na
ang softdrinks to 1 cup once a week. Maliban dito, ang softdrinks ay puwedeng
mag cause ng high blood sugar. Pag sobrang taas ng blood sugar, puwede masira
at sumikip ang mga ugat sa kidneys. Dahil dito, magkukulang ng blood supply ang
kidneys mo. Ano ba ang best na inumin para iwasan ang sakit sa bato? Tubig.
Napaka simple tubig lang talaga. What about coffee? Nakakasira ba ng kidneys?
No, as long as it’s black coffee. What about hot tea? Nakakasira ba ng kidneys?
No, basta walang sugar. Basta matatamis, ayaw nyo yan. I-limit nyo yan.
2. Ang ulam mo araw araw ay hotdog,
ham, bacon at iba pang processed food. Sobrang alat ng mga ito, matataas ang
sodium content. Pag sobrang taas ng sodium sa dugo, masisira ang salt-water
balance. Mahihila lahat ng tubig sa dugo at magbibigay sanhi sa high blood
pressure. Dahil dito, mahihirapan ang kidneys mag filter ng dugo.
3. Buong araw kang naka-upo. Pag wala ka kasing physical activity. Hindi ganun ka efficient ang katawan mo sa pag metabolize ng sugar or glucose. One way of controlling our blood sugar levels, maliban sa pag di-diet, ay to get at least 30 minutes of physical activity per day. Hindi naman kailangang intense ito. It can be through jogging, dancing, or bodyweight exercises that you can do at home. You don’t always need to enroll in the gym. May mga free fitness videos naman online na puwedeng mag guide sa iyo. Minsan kasi kaya nag he-hesitate tayo mag exercise kasi di natin alam ang gagawin eh. Hindi natin alam ang proper form. Kaya one way for you to get started on your fitness journey is maghanap ka ng videos online na puwede mong sabayan. Or maghanap ka ng fitness buddy mo. At ‘yung fitness buddy mo ay dapat mas experience sa ‘yo ha. Hindi yung pareho kayong beginners, baka magtawanan lang kayo the whole time.
Yung
mga advice na nabanggit ko ay hindi lang naman para alagaan ang kidneys mo.
These are actually basic pieces of health advice that can help improve your
overall health. Ang keyword naman palagi natin pagdating sa diet ay moderation
and balanced. Wag tayo masiyadong mag over-indulge sa mga pagkaing masasarap.
Unfortunately kasi kung ano pa yung masarap yun pa yung sisira sa atin. And
when it comes to exercise naman, take it slow when you’re starting out. Start
with the basics at pag ramdam mo nang nasasanay ka na increase the intensity.
Don’t pressure yourself. It takes time to change your lifestyle. Hindi ‘yan
over night.
Comments
Post a Comment