Hydronephrosis? Pelvocaliectasia?
HYDRONEPHROSIS? PELVOCALIECTASIA?
Meron bang hydronephrosis sa ultrasound mo? Ano ito?
Hydronephrosis ay isang finding sa ultrasound at CT scan kung saan nagkakaroon ng paglaki ng mga kidneys dahil sa pagbabara ng daluyan ng ihi. Dahil hindi makalabas nang maayos ang ihi nagkakaroon ng build up ng pressure sa ureters at kidneys na nagdudulot ng swelling o pamamaga at paglaki.
Isang common na finding ang pelvocaliectasia o ang paglaki ng renal pelvis at renal calyx kung hindi maaagapan ang pagbabara maaaring tuluyang masira ang mga kidneys at maging sanhi ng kidney failure.
Ilan sa mga karaniwang dahilan ng hydronephrosis ay kidney stones, congenital blockage ng ureter, blood clot sa ureter or bladder, uretheral stricture. Yung pagkakaroon ng mga peklat dahil sa mga dating surgeries, prostate enlargement, tumor o bukol sa kidney, bladder, prostate or cervix, pregnancy, urinary tract infection, neurogenic bladder o hindi gumagana ng maayos yung pantog.
Habang tumatagal ang pagbabara sa daluyan ng ihi at hydronephrosis lumiliit ang chance na maibalik sa dati ang kalusugan ng kidneys. Kailangan alamin ang dahilan ng hydronephrosis dahil may mga ibang dahilan kagaya ng pregnancy na hindi naman delikado at ito ay bumabalik sa dati at meron naming mga dahilan nito kagaya ng pagbabara ng bukol or bato na kailangan tanggalin agad agad para hindi mauwi sa kidney damage.
Comments
Post a Comment