With a purpose to Educate about Kidney Health and Kidney Diseases
About UKAKS
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
-
Usapang Kidney and Kidney Stones
(aka) also known as UKAKS are online community with a purpose of Educating
about Kidney Health and Kidney Stones in the Philippines and the whole world.
MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT? ✅ Ang MAINTENANCE MEDICATION o MAINTENANCE ay mga gamot na kinakailangang INUMIN ARAW-ARAW sa loob ng mahabang panahon (kadalasan habang buhay) upang mapanatili ang kalusugan o maiwasang lumala ang mga sintomas o kumplikason. ✅ Ang mga MAINTENANCE na gamot ay HINDI BASTA-BASTA ITINITIGIL maliban na lang sa utos ng inyong DOKTOR o kung nagkaroon ng MATINDING SIDE EFFECT O ALLERGIC REACTION sa gamot. ⛔️ Kapag itinigil ang pag-inom ng MAINTENANCE na gamot ay maaaring LUMALA ANG MGA SINTOMAS O KUMPLIKASYON ng inyong sakit. ✅ Importante ang FOLLOW-UP / CHECKUP sa inyong doktor upang mapayuhan kayo kung may kailangang baguhin, tanggalin o idagdag sa inyong mga gamot. ✅ Ang pag-inom ng maintenance na gamot na alinsunod sa TAMANG DOSAGE NA BINIGAY NG INYONG DOKTOR ay HINDI NAKAKASIRA NG KIDNEYS o ng ATAY. ✅ Ang mga pasyenteng may CHRONIC KIDNEY DISEASE (CKD) ay kalimitang umiinom ng ilan (o halos lahat) sa mga sumusunod na MAINTENANCE MEDICA...
ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN TRACE, 1+, 2+, 3+ AT 4+ SA URINALYSIS ? Ang URINALYSIS ay isang mura at simpleng test na tinitingnan ang iba't ibang characteristics ng IHI. Isa sa mga nakikita dito ay ang dami ng PROTEIN o ALBUMIN sa ihi. Normally, dapat ay NEGATIVE ang PROTEIN sa ihi kapag urine dipstick test ang ginamit. Pag may nakitang PROTEIN sa ihi, kadalasan ang ibig sabihin ay may KIDNEY DAMAGE or KIDNEY DISEASE (may ilang exceptions dito) Maaaring malaman ang ESTIMATED NA DAMI NG PROTEIN PER DAY depende sa nakalagay na resulta sa urinalysis. Pag mas mataas ang numero ng +, mas maraming protein sa ihi: - TRACE at 1+ ay katumbas ng <500 mg/day - 2+ ay katumbas ng 500 - 1000 mg/day - 3+ ay katumbas ng 1000-2000 mg/day - 4+ ay katumbas ng >2000 mg/day Para sa mas accurate na measurement ng PROTEIN sa ihi, mas maganda gumamit ng UPCR or UACR test ( https://www.facebook.com/share/p/xnAPH4a5X27y4eUn/ )
PAANO MAPIPIGILAN O MAPAPABAGAL ANG PAGTAAS NG CREATININE? ✅ Maraming nagtatanong sa akin kung paano ba mapapababa o mapapabagal ang pagtaas ng CREATININE. Gaya ng sabi ko sa dati kong post tungkol sa CREATININE, hindi palaging ibig sabihin na pag mataas ang creatinine ay may sakit sa bato ✅ Ngunit para sa mga taong talagang may CHRONIC KIDNEY DISEASE pati na rin sa mga taong malulusog at walang sakit, importante ang pagpapanatili sa KALUSUGAN NG ATING KIDNEYS. ✅ Ang serye ng mga posts na ito ay naglalayong maibahagi ang mga HEALTH TIPS na MABISA upang MAIWASAN ANG pagkakaroon ng sakit sa kidney o MAPABAGAL ang pagkasira ng kidney sa mga taong may CHRONIC KIDNEY DISEASE TIP #1: IWAS SA SIGARILYO TIP #2: WEIGHT LOSS (PAGBABAWAS NG TIMBANG) ⚠️ Ang OBESITY ay isa sa mga MAJOR RISK FACTOR para sa pagkakaroon ng DIABETES, HIGH BLOOD AT CHRONIC KIDNEY DISEASE. ⚠️ Ang DIABETES AT HYPERTENSION ang dalawang pinakakaraniwang sanhi ng sakit ng kidneys. ⚠️ Ang OBESITY ay nauugnay s...
Comments
Post a Comment