Balisawsaw



BAKIT BINABALISAWSAW?


✅ Ang BALISAWSAW ay maraming ibig sabihin sa ating wika, ngunit ang pinakamadalas na definition nito ay ang MADALAS NA PAG-IHI buong araw (hindi lang tuwing gabi). 


✅ Minsan, ang BALISAWSAW ay tumutukoy naman DYSURIA o ang mahapding pag-ihi. 


✅ Dahil sa ang sintomas na madalas na pag-ihi o mahapding pag-ihi ay parehong sintomas ng impeksyon sa ihi, ang BALISAWSAW ay madalas na nauugnay sa pagkakaroon ng UTI o URINARY TRACT INFECTION.


✅ Ang normal na bilang ng pag-ihi sa isang araw ay nasa 4-10 na BESES (average ay 6-7 na beses). Kapag lumampas sa bilang na ito, maaaring sabihin na ikaw ay BINABALISAWSAW.


✅Ang pinakakaraniwang dahilan pa rin ay impeksyon sa ihi o UTI. Ang pagpasok ng BACTERIA sa daluyan ng ihi papunta sa pantog ay nagdudulot ng irritation. Isa sa mga common reaction ng katawan ay umihi ng umihi.


✅Ibang dahilan ng pagkakaroon ng BALISAWSAW:

 - OVERACTIVE BLADDER

 - DIABETES MELLITUS

 - LABIS NA PAGINOM NG KAPE, SOFT DRINKS O ALAK

 - MALAKING PROSTATE GLAND

 - MGA GAMOT PAMPAIHI GAYA NG FUROSEMIDE

 - KIDNEY AT BLADDER STONE

 - PAGBUBUNTIS

 - ANXIETY DISORDERS


🚩Ang BALISAWSAW ay maaaring senyales ng mas seryosong sakit. Magpatingin agad sa doktor kung nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas o senyales kasabay ng balisawsaw:

 - Dugo sa ihi

 - Pananakit ng tagiliran o puson o singit

 - Hirap sa pag-ihi o konti ang paglabas ng ihi

 - Lagnat


Comments

Popular posts from this blog

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI? ANO ANG PROTEINURIA AT KAUGNAYAN NITO SA KIDNEY DISEASE?