MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?
MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?
✅ Ang MAINTENANCE MEDICATION o MAINTENANCE ay mga gamot na kinakailangang INUMIN ARAW-ARAW sa loob ng mahabang panahon (kadalasan habang buhay) upang mapanatili ang kalusugan o maiwasang lumala ang mga sintomas o kumplikason.
✅ Ang mga MAINTENANCE na gamot ay HINDI BASTA-BASTA ITINITIGIL maliban na lang sa utos ng inyong DOKTOR o kung nagkaroon ng MATINDING SIDE EFFECT O ALLERGIC REACTION sa gamot.
⛔️ Kapag itinigil ang pag-inom ng MAINTENANCE na gamot ay maaaring LUMALA ANG MGA SINTOMAS O KUMPLIKASYON ng inyong sakit.
✅ Importante ang FOLLOW-UP / CHECKUP sa inyong doktor upang mapayuhan kayo kung may kailangang baguhin, tanggalin o idagdag sa inyong mga gamot.
✅ Ang pag-inom ng maintenance na gamot na alinsunod sa TAMANG DOSAGE NA BINIGAY NG INYONG DOKTOR ay HINDI NAKAKASIRA NG KIDNEYS o ng ATAY.
✅ Ang mga pasyenteng may CHRONIC KIDNEY DISEASE (CKD) (http://bit.ly/ckdpart01) ay kalimitang umiinom ng ilan (o halos lahat) sa mga sumusunod na MAINTENANCE MEDICATION upang MAPANATILI ang kalusugan ng kidneys at ng buong katawan:
1. PARA SA BLOOD PRESSURE - tulad ng LOSARTAN at AMLODIPINE
2. DIURETIC o PAMPAIHI - tulad ng FUROSEMIDE at BUMETANIDE
3. PANGKONTROL SA BLOOD SUGAR - tulad ng METFORMIN, GLICLAZIDE at INSULIN
4. PARA SA HEART DISEASE - tulad ng ASPIRIN, CLOPIDOGREL, CARVEDILOL at SPIRONOLACTONE
5. PAMPATAAS NG HEMOGLOBIN - tulad ng FERROUS SULFATE at ERYTHROPOIETIN
6. PAMPABABA NG PHOSPHORUS - tulad ng SEVELAMER at CALCIUM CARBONATE
7. PAMPATAAS NG CALCIUM - tulad ng CALCIUM CARBONATE at VITAMIN D
8. PAMPABABA NG CHOLESTEROL - tulad ng ATORVASTATIN at SIMVASTATIN
9. PANGONTRA ACIDITY NG DUGO - tulad ng SODIUM BICARBONATE
10. AMINO ACID SUPPLEMENT PARA SA KIDNEY - tulad ng KETOANALOGUES
Comments
Post a Comment