Manas
MANAS
1. Ito ang abnormal na pagkakaroon ng tubig sa mga bahagi ng katawan gaya ng kamay, paa, tiyan, mukha at baga.
2. Maraming sakit o bagay ang pwedeng magdulot ng pamamanas, kagaya ng:
- HEART FAILURE
- CHRONIC KIDNEY DISEASE
- HYPERTENSION
- NEPHROTIC SYNDROME
- LIVER FAILURE
- GAMOT
- MGA SAKIT SA UGAT
3. Ang pamamanas dahil sa mga gamot ay HINDI DAHILAN PARA TULUYANG ITIGIL ang mga ito lalo na kung importante sila sa paggamot ng sakit na mayroon kayo. Mabuti pa ring magpunta sa doktor para sa payo.
4. Upang magamot ang manas, kailangang malaman ng doktor ang sanhi nito at magbigay ng karampatang lunas. WALANG IISANG GAMOT PARA SA LAHAT NG KLASE NG MANAS
5. Kapag ginamot ang sakit na siyang nagdudulot ng pamamanas, kadalasan ay nawawala ang sintomas na ito.
6. Huwag balewalain ang pamamanas dahil baka senyales ito ng malubhang sakit. Huwag magatubili na pumunta sa doktor.
Comments
Post a Comment