MGA SANHI NG KIDNEY FAILURE NG MGA FILIPINO DIALYSIS PATIENTS
Ayon sa Philippine Renal Disease Registry (PRDR), mayroong 21,535 na mga Filipino ang naitala na nagdidialysis. Ang mga sumusunod na sakit ang pangunahing dahilan nag KIDNEY FAILURE na nauuwi sa pagdidialysis ng mga Filipino:
1. DIABETES (42%) - 8965 patients
2. HYPERTENSION (30%) - 6461 patients 3. GLOMERULONEPHRITIS (16%) - 3541 patients
4. PYELONEPHRITIS (2%) - 464 patients
5. AUTOSOMAL DOMINANT POLYCYSTIC KIDNEY DISEASE (1%) - 228 patients
6. IBA PA (9%) - 1876 patients
Ang mga numerong ito ay tumataas kada taon at tinatayang may higit sa 30,000 na pasyente na ang nagdidialysis ngayong taon na ito.
Ang TOP 1 at 2 na dahilan ng pagdidialysis ay DIABETES at HYPERTENSION. Kapag pinagsama, sila ang sanhi ng KIDNEY FAILURE ng 72% ng mga Filipinong nagdidialysis!
Ang DIABETES at HYPERTENSION ay maaaring MAIWASAN o MAKONTROL upang hindi sila lumala at umabot sa KIDNEY FAILURE.
Malaki ang posibilidad na makaiwas sa KIDNEY FAILURE at DIALYSIS ang karamihan ng mga Filipino kung gagawin nila ang mga sumusunod:- wastong DIET
- paginom ng 8-10 na baso ng tubig araw-araw
- regular na EXERCISE
- paginom ng mga MAINTENANCE NA GAMOT
- palagiang pagpapa-CHECK-UP sa doktor
Comments
Post a Comment