ANO ANG RENAL PARENCHYMAL DISEASE?
Nakita mo sa ultrasound results mo na meron kang bilateral renal parenchymal disease. Dapat ka bang mag panic? Delikado ba ang finding na ito?
Renal parenchyma ang tawag sa laman o tissue ng kidneys.
Nahahati ito sa tatlong bahagi:
Una ang cortex o outer layer na nagtataglay ng mga
glomerulus o filtering unit ng mga kidney.
Pangalawa ang medulla o yung mas gitnang layer na
nagtataglay ng maliliit na tubules.
At ang interstitium na ang connective tissue in between.
Ang renal parenchymal disease ay grupo ng mga sakit na
nakakaapekto sa struktura at functions ng mga tissue o laman ng kidney.
Kabilang dito ang lahat ng uri ng acute kidney injury at Chronic kidney
disease. Kapag sinabing bilateral, ibig sabihin parehas na kidney ang may
sakit.
Kapag sinabi naming diffuse, ang ibig sabihin ay maraming
bahagi na ng mga kidneys ang may sakit. Signs ng CKD sa ultrasound include
maliliit na kidneys, increased cortical echogenicity, poor coticomedullary differentiation
o hindi na ma differentiate ang cortex at medulla, medulla layer.
Need pa rin I-correlate ang ultrasound findings sa iba pang
laboratory test gaya ng creatinine at urinalysis. Pati na rin sa mga signs at
symptoms ng pasyente.
Comments
Post a Comment