Kidney Stones: Sapat ba iniinom mong tubig? Madalas ka ba kumain ng maalat?
Ito ang mga iba’t ibang bato nag pwedeng mamuo sa Kidneys mo kung hindi ka mahilig uminom ng tubig yung less than 1 liter lang iniiinom mo per day. Lagi kang dehydrated. Madalas kulay dark yellow orange ang ihi mo at mahilig kang kumain ng maaalat tulad ng chichirya.
Bakit nga ba nagkaka-kidney stones. Paano malalaman na may kidney stone ka at paano iwasan ito.
May iba’t ibang klase ng bato na gawa sa iba’t ibang klaseng crystals. Meron tayong Calcium Oxalate (Most Common type). Envelope or dumple shape ang crystals ito ang most common type na bumubuo ng kidney stones 80% ng mga kaso. Kaya dapat i-limit or iwasan ang mga pagkain na rich in Oxalate tulad ng patatas, kamote, tofu, dark chocolate, cocoa powder, beans, nuts, wheat, black tea, beets, raspberries, rhubarb at spinach.
Ibig sabihin ba nito masama din pala ang calcium sa kalusugan? Hindi naman. Syempre kailangan natin yan natin for healthy bones. Kailangan lang mas i-limit ang oxalate kumpara sa calcium. 40 to 50mg of Oxalate per day ang limit para iwasan ang kidney stones at least 2,000 mg of calcium naman ang limit per day.
Ang ibang stone naman ay gawa sa Magnesium Ammonium Phosphate (Coffin-shaped ang cyrstals)
Uric Acid (Rhomboid-shaped ang crystals)
At Cystine Crystals (Hexagon-shaped naman ang crystals nya)
Nangyayari ito pag super saturated ang ihi. Ibig sabihin pag ang ihi ay sobra sa Oxalate, Calcium, Uric Acid, Cystine at Phosphorus. Pag kulang sa tubig ang ihi at pag acidic ang ihi. Dito mag uumpisa ang crystal formation at pag dumami at nagkumpulan bubuo ng stone. Lalo pang tataas ang risk mong magka kidney stone kapag ikaw ay may gout, diabetes, hypertension at pag may history sa family ng kidney stones.
Pag ang stone maliit lang less than 5mm may 90% chance na pwedeng ilabas lang ito sa ihi. Between 5-10mm na size 50% ang chance. May gamot na i-pe-prescribe sa iyo ang espeyalista para I relax at paluwagin ang daluyan ng ihi para makalusot yung bato.
Pag masyadong malaki naman ang bato may Shockwave Theraphy na tinatawag. Yung waves mula sa machine na ito ay babasagin ang stone into smaller pieces para mailabas ang ihi.
Pwede rin through Ureteroscopy ito yung may ipapasok sila na tube sa labasan ng ihi para I fish out ang stone. Para ma visualize ang stone Makita ang location at size nito gumagamit ng ultrasound and or CT Scan. Ito ang basic parts ng daluyan ng ihi. Magsisimula tayo sa kidney ureter papunta sa bladder at sa urethra. Pag maliit lang ang bato at nandito lang sya sa kidneys. Most of the time asymptomatic ka. Walang symptoms. Pero pag malaki na at bumabara sya dito sa ureter. Makakaranas ka ng sakit sa tagilirian na minsan lumilipat ang pain papunta sa groin area. Dahil sa bara pakonti konti na lang ang lumalabas na ihi. At mas napapadalas ang pag ihi. Dahil hindi na e-empty ang bladder. Maaaring masugat ang ureter. Kaya magiging kulay tsaa or red ang ihi. Kasabay nito ang nausea at vomiting. Pag nagtagal pa ang bato pwedeng mag develop ng infection at makakaranas ka ng fever chills at hahapdi ang pag-ihi.
Para iwasan ang kidney stones. Maliban sa pag limit sa oxalate at calcium. Uminom ka ng at least 2 liters of water per day para may 8% lower risk ka of developing kidney stones. 3.1 liters of water per day naman for a 26% lower risk ka of developing kidney stones. Kung may iba kang sakit tulang ng Chronic Kidney Disease kung saan nililimit ang water intake mo. Syempre sundin mo pa rin ang sinasabi ng doctor mo.
Iwasan ang high purine foods tulad ng alak, soft drinks, sardines, lobster at liver. Iwasan din ang maaalat na pagkain. Tandaan 2,300mg per day ang limit. Pag masyadong madaming asin sa katawan hihilahin nito ang tubig imbis na ilabas mo sa ihi. Pag kulang ang tubig sa ihi magiging concentrated ito increasing your risk of kidney stones. Always remember hydration is the key to a healthy kidney.
Comments
Post a Comment