ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI?
Ang mga kidneys ay binubuo ng ISANG MILYONG GLOMERULI, mga malilit na filters na nagsasala ng tubig, dugo, mga lason at iba pang mga substances
Sa MALUSOG NA KIDNEY, ang mga GLOMERULUS o mga filter ng kidney ay napipigilan ang paglusot ng mga malalaking molecules gaya ng RED BLOOD CELLS at PROTEIN.
May kaunting PROTEIN na normal na nakakalusot at nakikita sa ating mga ihi. Ang normal na dami ng PROTEIN sa ihi ay nasa <150 mg/day o ALBUMIN na <30 mg/day.
Kapag MAY SAKIT ANG KIDNEYS, naaapektuhan ang mga GLOMERULUS o mga filters ng kidney. Hindi nila napipigilan ang paglusot ng mga protein sa ihi, kaya nagkakaroon ng maraming PROTEIN SA IHI.
Ang PROTEINURIA o MARAMING PROTEIN SA IHI ay isa sa mga pinakamaagang senyales ng KIDNEY DISEASE.
Kapag mas mataas ang dami ng protein sa ihi, mas mataas din ang chance na lumalala ang KIDNEY DISEASE.
Ang NEPHROTIC SYNDROME ay ang pagtatapon ng mahigit 3.5 grams ng protein per day sa ihi
Halimbawa ng mga sakit na maaaring magdulot ng PROTEIN SA IHI ay ang DIABETES at mga GLOMERULONEPHRITIS (gaya ng IgA nephropathy at FSGS)
Nakikita ang protein sa ihi sa pamamagitan ng URINALYSIS (trace, +1, +2, +3) at ng URINE ALBUMIN/CREATININE RATIO, mga karaniwang tests sa ihi.
May mga senyales ang pagtatapon ng protein sa ihi, gaya ng- PAMAMANAS NG PAA AT MUKHA
- MABULANG IHI
- PAGKAKAROON NG MATAAS NA BLOOD PRESSURE
Hindi ibig sabihin na NORMAL ANG CREATININE ay walang sakit sa kidneys. Maaaring maging normal ang creatinine ngunit may sakit sa kidneys kung mayroon kang protein sa ihi.
Mahalaga ang checkup at screening upang mahuli nang maaga ang pagkakaroon ng PROTEIN SA IHI.
Kayang maiwasan ang paglala ng KIDNEY DISEASE kung maagang makita at maagapan ang PROTEIN SA IHI.
Comments
Post a Comment