BAKIT NAGKAKAROON NG MANAS?
BAKIT NAGKAKAROON NG MANAS?
✅ Ang MANAS ay ang abnormal na pagkakaroon at pagkaipon ng tubig sa mga bahagi ng katawan gaya ng KAMAY, PAA, TIYAN, MUKHA, BAGA at PUSO.
✅ Maraming dahilan kung bakit magkakaroon ng PAMAMANAS NG KATAWAN:
π΄ HEART FAILURE - dulot ng hypertension o kakulangan sa pagdaloy ng dugo (nangyayari sa mga may baradong ugat o yung mga nagkaroon ng HEART ATTACK)
π΄ KIDNEY FAILURE - dulot ng CHRONIC KIDNEY DISEASE, hindi nababalanse ang tubig at asin sa katawan kaya nagkakaroon ng sobrang tubig sa katawan.
π΄ LIVER FAILURE - dulot ng ALCOHOLIC at FATTY LIVER DISEASE, HEPATITIS
π΄ GAMOT - gaya ng AMLODIPINE, IBUPROFEN, PREDNISONE, ESTROGEN, PIOGLITAZONE at CYLCOSPORINE. Ang pagmamanas dulot ng mga gamot ay nawawala kapag itinigil ang gamot.
π΄ PROBLEMA SA UGAT - nakikita sa mga may pagbabara ng VEINS o LYMPHATIC VESSELS sa PAA. Halimbawa ng mga sakit na mayroon nito ay VENOUS INSUFFICIENCY, PAGBUBUNTIS at LYMPHEDEMA.
π΄ PROTEIN DEFICIENCY - kapag masyadong mababa ang protein sa katawan, nagkakaroon ng pagmamanas, gaya ng nakikita sa NEPHROTIC SYNDROME (tumatapon sa ihi ang protein)
π΄ ARTHRITIS - nagkakaroon din ng pamamanas sa mga sakit gaya ng LUPUS.
✅ Importanteng malaman ang DAHILAN NG PAMAMANAS dahil iba iba ang paggamot sa bawat sakit na nagdudulot nito.
✅ May mga klase ng pamamanas na DELIKADO at kailangan ng agarang gamutan, gaya ng pamamanas sa BAGA (PULMONARY EDEMA), UTAK (CEREBRAL EDEMA) at PUSO (PERICARDIAL EFFUSION/TAMPONADE)
Comments
Post a Comment