NORMAL KIDNEY FUNCTION DEPENDE SA EDAD

NORMAL KIDNEY FUNCTION DEPENDE SA EDAD

✅ Habang tumatanda ang isang tao ay natural na bumababa rin ang kidney function. Ito ay dahil sa natural aging process na nakakaapekto sa kidneys.
✅ Ang physiologic decline na normal sa pagtanda ay nagdudulot ng mga structural changes sa kidneys.
✅ Sa mga nasa 20s nila, ang kidney function ay nasa 120 mL/min/1.73 m2
✅ Normally, bumabagsak ang kidney function by 1 mL/min/1.73 m2 per year starting at AGE 30.
✅ Mahirap i-differentiate ang pagbaba ng eGFR sa pagtanda versus dahil sa sakit. Kailangan ng history, physical exam at serial laboratory results para ma-assess ng tama ang kidney function over time.
✅ Ang current formula para sa eGFR ay ginagamit ang CREATININE, na pwedeng maunderestimate sa mga matatanda na nawalan na ng muscle mass. Maaaring gumamit ng CYSTATIN-C para maging mas accurate ang measurement.
✅ Para i-compute ang inyong kidney function o eGFR online, pumunta dito https://www.kidney.org/professionals/KDOQI/gfr_calculator
✅ Para i-download ang eGFR calculator sa inyong phone, pumunta dito https://www.kidney.org/apps


Comments

Popular posts from this blog

BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI? ANO ANG PROTEINURIA AT KAUGNAYAN NITO SA KIDNEY DISEASE?