BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

Ang UREMIC PRURITUS o pangangati sa mga pasyenteng may END-STAGE RENAL DISEASE / CKD STAGE 5 ay isa sa mga karaniwang sintomas na kanilang nararanasan.
❗️Ang PANGANGATI ay kadalasang nararamdaman sa LIKOD ngunit pwede ring maranasan sa mga KAMAY, ULO, at TIYAN. Maaari ring mangati ang BUONG KATAWAN.
❗️Ang PANGANGATI ay mas malala TUWING GABI at kapag MAINIT ang panahon o kapag pinagpapawisan
❗️Ang PANGANGATI ay kadalasang HINDI NAWAWALA kahit uminom na ng mga gamot para sa pangangati gaya ng mga ANTI-HISTAMINE (diphenhydramine, hydroxyzine, etc.)
Ang mga sumusunod na pasyente ay mas mataas ang RISK o CHANCE na magkaroon ng PANGANGATI o UREMIC PRURITUS:
⚠️ KULANG SA DIALYSIS (UNDERDIALYSIS)
⚠️ MATAAS ANG LEVEL NG PARATHYROID HORMONE
⚠️ MATAAS ANG LEVEL NG PHOSPHORUS SA DUGO
⚠️ MAY DRY SKIN O XEROSIS
⚠️ MATAAS ANG LEVEL NG MAGNESIUM AT ALUMINUM SA DUGO
⚠️ MATAAS ANG LEVEL NG BETA-2 MICROGLOBULIN
Upang tanggalin ang UREMIC PRURITUS o PANGANGATI, kailangang gawin ang mga sumusunod:
➡️Taasan ang DOSAGE ng DIALYSIS (mas madalas, taasan ang blood flow, gumamit ng high flux dialyzer)
➡️ Pababain ang PHOSPHORUS at / o PARATHYROID HORMONE levels sa pamamagitan ng dialysis, diet at mga gamot
➡️ Regular na paggamit ng mga EMOLIENTS o MOISTURIZERS para hindi matuyo ang balat
➡️Gumamit ng mga gamot gaya ng GABAPENTIN at PREGABALIN (KAILANGAN NG RESETA NG DOKTOR!)
➡️Sumailalim sa PHOTOTHERAPY gamit ang UV-B irradiation
Laging sumangguni sa inyong NEPHROLOGIST kapag may nararamdaman. HUWAG UMINOM NG GAMOT na walang SUPERVISION ng inyong doktor.


Comments

Popular posts from this blog

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI? ANO ANG PROTEINURIA AT KAUGNAYAN NITO SA KIDNEY DISEASE?