MASAMA BA ANG KARNE SA KIDNEYS?

Ang karne ay isa sa mga pagkain na mayaman sa protein o protina. Importante ang protein dahil ginagamit ito ng ating katawan bilang sangkap upang: gumawa ng balat, muscle, buhok at kuko. Ayusin ang mga organs at tissue na napinsala; gumawa ng mga iba’t ibang hormones at chemicals at patibaying ang ating immune system.

Ngunit ang pagkain ng marami at sobra-sobrang karne ay may epekto rin sa ating mga kidneys. Tuwing kumakain ng karne, ang mga sumusunod ay nangyayari:

✅ Tumataas ang level ng mga Toxin at Waste sa katawan gaya ng Urea at Creatinine

✅ Tumataas ang level ng Acid sa dugo, na nagdudulot ng Metabolic Acidosis.

✅ Tumataas ang Daloy Ng Dugo sa kidneys bilang tugon sa pagtaas ng Toxin at Acid levels.

✅ Tumataas ang Blood Pressure sa loob ng mga maliliit na ugat sa kidneys.

Sa katagalan, ang pagtaas ng Blood Flow at Blood Pressure sa kidneys ay nagdudulot ng GLOMERULOSCLEROSIS o pagkakaroon ng mga SUGAT at PEKLAT ng kidneys.

Unti-unting nalalaspag  ang kidneys dahil sa mga nabanggit na mga pangyayari.

Kapag paulit-ulit, ang mga ito ay pwedeng mauwi sa CHRONIC KIDNEY DISEASE.

Sa mga taong may CHRONIC KIDNEY DISEASE, mas napapabilis ang pagkasira ng kidneys kapag kumakain ng HIGH PROTEIN DIET.

Tandaan hindi masama kumain ng karne dahil kailangan natin ang protein sa katawan. Kailangan lang na nasa tamang dami ito.

Ang recommended na dami ng PROTEIN sa diet ay dapat 0.8 g/kg body weight per day lamang or even less kapag ikaw ay may CHRONIC KIDNEY DISEASE.



Comments

Popular posts from this blog

BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN SA IHI? ANO ANG PROTEINURIA AT KAUGNAYAN NITO SA KIDNEY DISEASE?