LUMALAKING KIDNEY DAHIL MAY NAKABARANG BATO
LUMALAKING KIDNEY DAHIL MAY NAKABARANG BATO
✅ Ito ay CT scan ng pasyenteng
may paglaki ng kanang kidney (SEVERE HYDROURETERONEPHROSIS) dahil may
nakabarang bato sa URETEROPELVIC JUNCTION (pagitan ng ureter at urinary
bladder).
✅ Makikita na nagkaroon ng
build-up ng pressure sa kanang kidney at ureter dahil sa pagbabara ng bato.
Dahil dito ay lumaki ang RENAL PELVIS (daluyan ng ihi palabas ng kidney) at ng
buong URETER (daluyan ng ihi na nagkokonekta sa kidney at pantog).
✅ Ang paglaki ng kidney ay
dahan-dahang nangyari sa loob ng maraming buwan at hindi ito namalayan ng
pasyente dahil wala siyang naramdamang mga sintomas.
✅ Para sa mga ganitong
malalaking bato na nakabara, kailangan ang isang Urologist Specialist para tanggalin ito.
✅ At risk sa pagkakaroon ng
matinding impeksyon sa ihi or pagkakaroon ng nana sa kidney kapag hindi
natanggal ang batong nakabara.
Comments
Post a Comment