MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT?

MGA GAMOT PARA SA CKD: ANO ANG MAINTENANCE NA GAMOT? ✅ Ang MAINTENANCE MEDICATION o MAINTENANCE ay mga gamot na kinakailangang INUMIN ARAW-ARAW sa loob ng mahabang panahon (kadalasan habang buhay) upang mapanatili ang kalusugan o maiwasang lumala ang mga sintomas o kumplikason. ✅ Ang mga MAINTENANCE na gamot ay HINDI BASTA-BASTA ITINITIGIL maliban na lang sa utos ng inyong DOKTOR o kung nagkaroon ng MATINDING SIDE EFFECT O ALLERGIC REACTION sa gamot. ⛔️ Kapag itinigil ang pag-inom ng MAINTENANCE na gamot ay maaaring LUMALA ANG MGA SINTOMAS O KUMPLIKASYON ng inyong sakit. ✅ Importante ang FOLLOW-UP / CHECKUP sa inyong doktor upang mapayuhan kayo kung may kailangang baguhin, tanggalin o idagdag sa inyong mga gamot. ✅ Ang pag-inom ng maintenance na gamot na alinsunod sa TAMANG DOSAGE NA BINIGAY NG INYONG DOKTOR ay HINDI NAKAKASIRA NG KIDNEYS o ng ATAY. ✅ Ang mga pasyenteng may CHRONIC KIDNEY DISEASE (CKD) ay kalimitang umiinom ng ilan (o halos lahat) sa mga sumusunod na MAINTENANCE MEDICA...