Posts

Showing posts from June, 2024

Does drinking more than 4 litres of water a day cause harm to the kidneys?

Image
Drinking excessive amounts of water, such as more than 4 liters a day, can potentially lead to harm to the kidneys, although it's not a common occurrence for most people. Here's a detailed explanation: 1. Water Intoxication: Drinking an excessive amount of water can lead to a condition known as water intoxication or hyponatremia. This occurs when the balance of electrolytes in your body, particularly sodium, is diluted by the large volume of water consumed. Sodium is crucial for maintaining proper fluid balance in the body. When diluted excessively, it can lead to swelling of cells, including brain cells, which can cause serious health issues. 2. Impact on Kidneys: While the kidneys are efficient at filtering excess water from the bloodstream, consuming extremely large amounts of water can put strain on them. The kidneys may struggle to excrete the excess water fast enough, leading to an imbalance in electrolytes and potential strain on the kidneys. 3. Risk Factors: Certain ind...

ANO ANG RENAL PARENCHYMAL DISEASE?

Image
Nakita mo sa ultrasound results mo na meron kang bilateral renal parenchymal disease. Dapat ka bang mag panic? Delikado ba ang finding na ito? Renal parenchyma ang tawag sa laman o tissue ng kidneys. Nahahati ito sa tatlong bahagi: Una ang cortex o outer layer na nagtataglay ng mga glomerulus o filtering unit ng mga kidney. Pangalawa ang medulla o yung mas gitnang layer na nagtataglay ng maliliit na tubules. At ang interstitium na ang connective tissue in between. Ang renal parenchymal disease ay grupo ng mga sakit na nakakaapekto sa struktura at functions ng mga tissue o laman ng kidney. Kabilang dito ang lahat ng uri ng acute kidney injury at Chronic kidney disease. Kapag sinabing bilateral, ibig sabihin parehas na kidney ang may sakit. Kapag sinabi naming diffuse, ang ibig sabihin ay maraming bahagi na ng mga kidneys ang may sakit. Signs ng CKD sa ultrasound include maliliit na kidneys, increased cortical echogenicity, poor coticomedullary differentiation o hindi na ma d...

ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN TRACE, 1+, 2+, 3+ AT 4+ SA URINALYSIS?

Image
ANO ANG IBIG SABIHIN NG PROTEIN TRACE, 1+, 2+, 3+ AT 4+ SA URINALYSIS ? Ang URINALYSIS ay isang mura at simpleng test na tinitingnan ang iba't ibang characteristics ng IHI. Isa sa mga nakikita dito ay ang dami ng PROTEIN o ALBUMIN sa ihi. Normally, dapat ay NEGATIVE ang PROTEIN sa ihi kapag urine dipstick test ang ginamit. Pag may nakitang PROTEIN sa ihi, kadalasan ang ibig sabihin ay may KIDNEY DAMAGE or KIDNEY DISEASE (may ilang exceptions dito) Maaaring malaman ang ESTIMATED NA DAMI NG PROTEIN PER DAY depende sa nakalagay na resulta sa urinalysis. Pag mas mataas ang numero ng +, mas maraming protein sa ihi: - TRACE at 1+ ay katumbas ng <500 mg/day - 2+ ay katumbas ng 500 - 1000 mg/day - 3+ ay katumbas ng 1000-2000 mg/day - 4+ ay katumbas ng >2000 mg/day Para sa mas accurate na measurement ng PROTEIN sa ihi, mas maganda gumamit ng UPCR or UACR test ( https://www.facebook.com/share/p/xnAPH4a5X27y4eUn/ )

BAKIT NANGANGATI ANG KATAWAN NG MGA MAY END-STAGE RENAL DISEASE?

Image
✅ Ang UREMIC PRURITUS o pangangati sa mga pasyenteng may END-STAGE RENAL DISEASE / CKD STAGE 5 ay isa sa mga karaniwang sintomas na kanilang nararanasan. Ang PANGANGATI ay kadalasang nararamdaman sa LIKOD ngunit pwede ring maranasan sa mga KAMAY, ULO, at TIYAN. Maaari ring mangati ang BUONG KATAWAN. Ang PANGANGATI ay mas malala TUWING GABI at kapag MAINIT ang panahon o kapag pinagpapawisan Ang PANGANGATI ay kadalasang HINDI NAWAWALA kahit uminom na ng mga gamot para sa pangangati gaya ng mga ANTI-HISTAMINE (diphenhydramine, hydroxyzine, etc.) Ang mga sumusunod na pasyente ay mas mataas ang RISK o CHANCE na magkaroon ng PANGANGATI o UREMIC PRURITUS: KULANG SA DIALYSIS (UNDERDIALYSIS) MATAAS ANG LEVEL NG PARATHYROID HORMONE MATAAS ANG LEVEL NG PHOSPHORUS SA DUGO MAY DRY SKIN O XEROSIS MATAAS ANG LEVEL NG MAGNESIUM AT ALUMINUM SA DUGO MATAAS ANG LEVEL NG BETA-2 MICROGLOBULIN Upang tanggalin ang UREMIC PRURITUS o PANGANGATI, kailangang gawin ang mga sumusunod: Taasan ang DOSAGE ng D...

MASAMA BA ANG KARNE SA KIDNEYS?

Image
Ang karne ay isa sa mga pagkain na mayaman sa protein o protina. Importante ang protein dahil ginagamit ito ng ating katawan bilang sangkap upang: gumawa ng balat, muscle, buhok at kuko. Ayusin ang mga organs at tissue na napinsala; gumawa ng mga iba’t ibang hormones at chemicals at patibaying ang ating immune system. Ngunit ang pagkain ng marami at sobra-sobrang karne ay may epekto rin sa ating mga kidneys. Tuwing kumakain ng karne, ang mga sumusunod ay nangyayari: ✅ Tumataas ang level ng mga Toxin at Waste sa katawan gaya ng Urea at Creatinine ✅ Tumataas ang level ng Acid sa dugo, na nagdudulot ng Metabolic Acidosis. ✅ Tumataas ang Daloy Ng Dugo sa kidneys bilang tugon sa pagtaas ng Toxin at Acid levels. ✅ Tumataas ang Blood Pressure sa loob ng mga maliliit na ugat sa kidneys. Sa katagalan, ang pagtaas ng Blood Flow at Blood Pressure sa kidneys ay nagdudulot ng GLOMERULOSCLEROSIS o pagkakaroon ng mga SUGAT at PEKLAT ng kidneys. Unti-unting nalalaspag   ang kidneys d...