LUMALAKING KIDNEY DAHIL MAY NAKABARANG BATO

LUMALAKING KIDNEY DAHIL MAY NAKABARANG BATO ✅ Ito ay CT scan ng pasyenteng may paglaki ng kanang kidney (SEVERE HYDROURETERONEPHROSIS) dahil may nakabarang bato sa URETEROPELVIC JUNCTION (pagitan ng ureter at urinary bladder). ✅ Makikita na nagkaroon ng build-up ng pressure sa kanang kidney at ureter dahil sa pagbabara ng bato. Dahil dito ay lumaki ang RENAL PELVIS (daluyan ng ihi palabas ng kidney) at ng buong URETER (daluyan ng ihi na nagkokonekta sa kidney at pantog). ✅ Ang paglaki ng kidney ay dahan-dahang nangyari sa loob ng maraming buwan at hindi ito namalayan ng pasyente dahil wala siyang naramdamang mga sintomas. ✅ Para sa mga ganitong malalaking bato na nakabara, kailangan ang isang Urologist Specialist para tanggalin ito. ✅ At risk sa pagkakaroon ng matinding impeksyon sa ihi or pagkakaroon ng nana sa kidney kapag hindi natanggal ang batong nakabara.